Maynila – Ang Institute for Labor Studies, o Surian ng mga Aralin sa Paggawa, ay naki-isa sa pag gunita ng Buwan ng Wika ngayong buwan ng Agosto, alinsunod sa itinakda ng Komisyon ng Wikang Pilipino ng Tanggapan ng Pangulo. Ang tema para sa taong ito ay pinamagatang, “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika, Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Pilipinong Bayanihan Kontra Pademya.”
Kabilang sa pakiisa ng Surian ay ang pag display ng digital poster mula sa Komisyon sa opisyal na web site at maging sa social media nito, gayundin ang pagkakaron ng salin sa opisyal na pangalan ng ahensya. Ito ay naglalayong maipalaganap sa higit na maraming mamamayan ang kamalayan ukol sa pagdiriwang.
Naging gabay sa pagsasalin ang ika-apat na edisyon ng Patnubay sa Korespondensiya Opisyal (PKO) na naglalaman ng mga patnubay o sanggunian para sa maayos, simple, at epektibong pagsulat lalung-lalo na ng mga naglilingkod sa pamahalaan – mga kawani, manunulat, editor, mananaliksik, guro, o opisyal na nakikipaglihaman sa loob at labas ng kagawaran.